LADY EAGLES TUMATAG SA LIDERATO

LADY EAGLES

Mga laro sa Sabado:

(Filoil Flying V Centre)  

8 a.m. – Ateneo vs NU (Men)

10 a.m. – FEU vs DLSU (Men)

2 p.m. – Ateneo vs NU (Women)

4 p.m. – FEU vs DLSU (Women)

BINURA ng National University ang 4-point deficit sa fifth set upang igupo ang  University of the Philippines, 25-17, 14-25, 17-25, 25-23, 17-15, sa  UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Bumanat si Princess Robles ng 17 hits at 21 receptions habang nagtala si  Ivy Lacsina ng apat na blocks upang tumapos na may 16 points para sa Lady Bulldogs.

“Hindi ko ma-explain kung ano ang nangyari sa game. Tiyaga lang talaga,” wika ni coach Norman Miguel makaraang tapusin ng NU ang laban sa pag-iskor ng pito sa huling walong puntos upang umangat sa 2-4 sa ika-6 na puwesto.

Nalasap naman ng Lady Maroons ang ikalawang sunod na kabiguan para mahulog sa 3-3 sa ika-5 puwesto.

Nauna rito ay nanalasa si Bea de Leon nang mapatatag ng Ateneo ang kapit sa liderato sa pamamagitan ng 25-8, 22-25, 25-16, 25-10 pagbasura sa Adamson University.

Inilagay ni Lacsina ang Lady Bulldogs sa match point ng dalawang beses bago isinagawa ni fellow rookie Geli Luceño ang finishing touches sa pagsupalpal kay Tots Carlos.

Umangat ang Lady Eagles, na mistula pa ring matalim sa kabila na nagpahinga lamang ng dalawang araw makaraang pataubin ang Lady Maroons sa straight sets, sa 5-1 kartada.

Sa  men’s division, umiskor si Bryan Bagunas ng 18 hits nang padapain ng titleholder NU ang wala pang panalong UP, 25-19, 25-17, 25-15,  habang umakyat ang Ateneo, sa likod ng 14 kills ni Tony Koyfman, sa solo third sa 4-2 kasunod ng 25-18, 25-22, 25-21 paggapi sa Adamson University.

Comments are closed.