LADY FALCONS, BLUE EAGLES MAGPAPALAKAS

Standings             W    L

NU                        5     0

AdU                      3     2

DLSU     3     2

UST                       3     2

UP                         3     2

Ateneo  2     3

FEU                       1     4

UE                         0     5

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UP vs DLSU

12 noon – Ateneo vs UE

4 p.m. – UST vs AdU

6 p.m. – NU vs FEU

SISIKAPIN ng titleholder Ateneo at ng Adamson, nakabawi matapos ang matamlay na simula sa season, na mapanatili ang kanilang  winning runs sa magkahiwalay na laro sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.

Matapos ang nakadidismayang  0-3 simula, ang Blue Eagles ay magtatangka sa kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa winless University of the East at sa alas-12 ng tanghali.

Kasalukuyang pangalawa sa pinakamainit na koponan sa liga, target ng Lady Falcons, na sinimulan ang  season sa back-to-back losses, ang ika-4 na sunod na panalo kontra on-and-off University of Santo Tomas sa alas-4 ng hapon.

Sa iba pang laro, magtutuos ang unbeaten National University, dalawang panalo na lamang ang kailangan para mawalis ang first round, at ang struggling Far Eastern University sa alas-6 ng gabi, habang magsasalpukan ang University of the Philippines at La Salle sa pagsisimula ng quadrupleheader sa alas-10 ng umaga.

Sa pangunguna nina Faith Nisperos at Vanie Gandler, naitala ng Ateneo ang back-to-back victories sa unang pagkakataon ngayong  season para umangat sa 2-3.

Sa likod ng solid playmaking ni setter Louie Romero, ang Adamson ay nasa four-way logjam sa 3-2 kasama ang Lady Spikers, Tigresses at  Fighting Maroons sa second place.