LADY FALCONS, TIGRESSES SOSYO SA NO. 2

Standings W L
DLSU 9 1
AdU 8 3
UST 8 3
NU 7 3
FEU 5 5
Ateneo 4 7
UP 1 9
UE 0 11

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
10 a.m. – FEU vs NU (Men)
12 noon – FEU vs NU (Women)
2 p.m. – DLSU vs UP (Women)
4 p.m. – DLSU vs UP (Men)

NANATILING magkasalo ang University of Santo Tomas at Adamson sa ikalawang puwesto makaraang malusutan ang matikas na pakikihamok ng kani-kanilang katunggali sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Philsports Arena.

Nalusutan ang career-high tying 31 points ni Faith Nisperos, pinataob ng Tigresses ang Ateneo, 25-22, 25-20, 27-29, 25-21, upang makumpleto ang head-to-head elimination round sweep.

Binalewala ng Lady Falcons ang season-best 27-point effort ni rookie Van Bangayan upang panatilihing walang panalo ang University of the East sa 25-16, 25-19, 20-25, 27-25 victory.

Ang UST at Adamson ay may magkatulad na 8-3 win-loss record, para sa karera para sa ikalawang twice-to-beat Final Four bonus.

Nagtala si Imee Hernandez ng personal-best 24 points, kabilang ang 3 blocks at 2 service aces upang suportahan si Eya Laure, na tumapos na may 27 points at 16 digs.

Nanganganib na maputol ang streak na 11 sunod na Final Four appearance ng Ateneo kung saan ang kapalaran ng tropa ni coach Oliver Almadro ay wala na sa kanilang mga kamay.

Nalasap ang ika-7 pagkatalo sa 11 laro, ang Ateneo ay masisibak sa Final Four picture sa panalo ng National University win kontra Far Eastern University ngayong alas-12 ng tanghali.

Masaya ang Lady Falcons na nalusutan ang hard-fighting Lady Warriors crew.

“Ayun tumagal pa muntik pa kaming matalo, good thing nagrecover pa rin. I’d like to look at the positives,” sabi ni Adamson coach Jerry Yee.

“We have to work on ourselves. Yung kakaba-kaba, yung pressure, yung kung ano ano yung iniisip,” dagdag pa niya.

Nagtala si Kate Santiago ng 18 points habang kumabig si Trisha Tubu ng 13 points para sa Lady Falcons.