LADY GUARD BINUHUSAN NG ASIDO

SINABUYAN ng asido sa mukha ang isang lady guard sa isang subdivision ng isang lalaki habang nakaupo sa gilid ng guard house sa Las Pinas City kamakailan.

Dali-daling isinugod naman ang biktimang si alyas “Sara” sa pagamutan, na sa una ay inakalang hindi na makakita dahil sa direktang pumasok sa mga mata ang likido.

Pahayag naman ng biktima na nanlabo lamang ang kanyang mata at hindi naman nabulag.

Hinala ng biktima malamang na may mga nagalit sa kanya dahil sa pagsita nito sa labas-masok sa Subdivision kung saan pinagbantaan siya na babalikan.

“Meron po ako na nasaway na residente at hindi residente doon. Yung isa po talagang pinag-iinitan na yung management, bali nasagot ko po siya,” anang biktima.

Patuloy pang inaalam ng Las Pinas City Police ang pagkilanlan ng suspek para sa pagsasampa ng kasong kriminal.
CRISPIN RIZAL