PARAÑAQUE CITY – BAGSAK sa kulungan ang isang lady guard makaraan ang ilang linggong pagtatago dahil sa kasong pagnanakaw sa lungsod na ito.
Nakilala ang inaresto na si Cherry Galupo, 30-anyos, kasalukuyang residente ng Bacoor, Cavite at isa ngayong lady guard.
Naaresto si Galupo sa Barangay Poblacion, Makati City sa bisa ng isang warrant of arrest mula sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) dahil sa kasong robbery. Mayroong P72,000 na inirekomendang piyansa para kay Galupo upang makamit nito ang pansamantalang kalayaan. AIMEE ANOC
Comments are closed.