LADY KAGAWAD BINARIL SA ULO

BULACAN-BLANGKO pa din ang awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng gunman na naka-angkas sa motorsiklo na bumaril sa ulo ng isang babaeng Kagawad ng Barangay habang nasa loob ng hardware store sa Barangay Iba O Este,Calumpit sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Base sa report ni P/Lt.Col.Ramil Santos,Chief of Police ng Calumpit Municipal Police Station,ang biktima na si Ma.Romalie Aguilar,45-anyos, may-asawa,businesswoman, No. 1 Kagawad ng Barangay Mercado, Hagonoy ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan bunga ng tama ng bala sa ulo.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng umaga nitong Miyerkules nang maganap ang pamamaslang habang si Aguilar ay nasa loob ng kanyang hardware na matatagpuan sa Purok 2,Barangay Iba O Este, Calumpit nang huminto ang isang motorsiklo at bumaba ang angkas nito na agad pumasok sa hardware at binaril ng malapitan sa ulo ang biktima.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo habang isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng awtoridad upang makakuha ng lead sa ikalulutas ng kaso. MARIVIC RAGUDOS

5 thoughts on “LADY KAGAWAD BINARIL SA ULO”

Comments are closed.