Mga laro bukas:
(San Andres Sports Complex)
9 a.m. – Perpetual vs San Beda (Men)
12 noon – Perpetual vs San Beda (Women)
2 p.m. – Letran vs Benilde (Women)
4:30 p.m. – Letran vs Benilde (Men)
NALUSUTAN ng Letran ang Jose Rizal University, 14-25, 16-25, 25-20, 25-17, 15-10, upang sumosyo sa ikalawang puwesto sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.
Nakumpleto ni Angelique Ledesma ang reverse sweep ng Lady Knights sa isang quick kill, para tapusin ang paghahangad ng Lady Bombers na makopo ang mailap na unang panalo.
May 4-1 record, ang Letran ay umangat sa ikalawang puwesto katabla ang University of Perpetual Help System Dalta sa likod ng defending champion College of Saint Benilde na may perfect 6-0 card.
Samantala, naipuwersa ng Arellano University ang three-way tie sa Lyceum of the Philippines University at Mapua sa third place sa 4-2 kasunod ng 27-25, 18-25, 25-17, 25-15 pagdispatsa sa San Sebastian.
Nagbuhos si Julienne Castro ng 16 points, nag-ambag si rookie Judiel Nitura ng 15 points habang nagpakawala si Cha Cuñada ng 4 service aces upang tumapos na may 12 points at kumolekta ng 13 digs. Si LJ Isar, na ipinasok sa second set, ang isa pang Lady Knight sa may double digits na may 11 points.
Kumamada si Riza Rose ng career-high 23 points, nagdagdag si Karyla Jasareno ng 12 points at11 digs, habang nagposte sina Mary May Ruiz at Sydney Niegos ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Lady Bombers.
Nanguna si Moming Padillon para sa Lady Chiefs na may 20 points sa 19-of-37 attacks, habang nagpakawala si Laika Tudlasan ng 12 kills.
Tumipa si Tina Marasigan ng 16 points at 8 digs habang bumanat si KJ Dionisio ng 2 service aces upang tumapos na may 14 points na sinamahan ng 9 receptions para sa Lady Stags.
Sibak na sa kontensiyon ang JRU at San Sebastian, na nakapasok sa Final Four noong nakaraang season, makaraang malasap ang ika-6 na sunod na kabiguan.