CEBU-DEAD on arrival sa pagamutan ang isang lady lawyer nang tambangan ng riding in tandem sa Danao City, Hilagang bahagi ng Cebu kamakalawa ng hapon.
Sa imbestigasyon, sakay ang biktimang si Atty. Baby Maria Concepcion Landero-Ole ng kanyang pick-up truck sa kahabaan ng national road sakop ng Barangay Looc nang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-2:00 ng hapon.
Si Atty Landero-Ole, residente ng Barangay Taboc, Danao City ang ikalawang abogado na pinaslang sa lalawigan ng Ce-bu sa loob lamang ng halos isang buwan.
Lumilitaw sa imbestigasyon na papuntang Cebu City ang abogada nang pagbabarilin ng mga suspek.
Nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Ayon kay Police Maj. Theresa Macatangay, hepe ng Danao City PNP na kasalukuyan pa nilang inaalam ang motibo sa pamamaslang at posibleng kakikilanlan ng mga salarin.
Agad naman na kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu City Chapter ang ginawang pagpatay kay Ole.
“We condemn the atrocities being cast against fellow lawyers and we must not allow this system of violence to persist in our midst,” ayon sa IBP-Cebu.
Unang naitala ang pagkamatay ni Atty Joey Luis Wee na pinagbabaril din sa labas ng kanyang law office sa Barangay Kasambagan, Cebu City nitong nakalipas na Nobyembre 23. VERLIN RUIZ
Comments are closed.