LADY MAROONS DINUNGISAN NG TIGRESSES

TIGRESSES-2

Mga laro sa Miyerkoles:

(Filoil Flying V Centre)

8 a.m. – NU vs DLSU (Men)

10 a.m. – AdU vs UE (Men)

2 p.m. – NU vs DLSU (Women)

4 p.m. – AdU vs UE (Women)

 

IPINALASAP ng University of Santo Tomas sa University of the Philippines ang unang kabiguan nito sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa pamamagitan ng 21-25, 25-22, 25-16, 25-20 panalo kahapon sa Filoil Flying V Cen-tre.

Kumana si Milena Alessandrini ng tatlong blocks upang magtapos na may 22 points, kasama ang 15 digs at 10 receptions, ha-bang nag-ambag si rookie Eya Laure ng 18 points at gumawa si Sisi Rondina ng 17 hits, kabilang ang dalawang service aces, para sa Tigresses.

Samantala, nagtala si Kat Tolentino ng 19 points nang gapiin ng Ateneo ang  Far Eastern University, 14-25, 19-25, 25-21, 25-18, 15-12.

Matikas na nakihamok ang  Lady Maroons sa kabila ng pagkawala ni ace playmaker Ayel Estrañero, na na-sideline dahil sa food poisoning.

“Unpredictable ang game. Bilib din ako roon sa setter ng UP, si (Mai) Sotomil. Maaring nag-iba ang complexion kung nandiyan siya,” wika ni UST coach Kungfu Reyes.

“It is everybody’s game until the last moment na kumuha ka ng puntos, doon lang masasabing panalo ka na at the end of the match. Una, nangangapa kami. Mabuti naman, ‘yung second, third and fourth set, na-overcome naman ‘yung mga error namin,” dagdag pa niya.

Tumabla ang  Tigresses sa Lady Maroons at sa Lady Eagles sa ikalawang puwesto na may 2-1 kartada,  habang nalasap ng La-dy Tamaraws ang ikalawang pagkatalo sa tatlong asignatura para sa ika-6 na puwesto.

Sa men’s division, nakalikom si Jude Garcia ng 23 hits at 12 digs habang kumana si  Owen Suarez ng 37 excellent sets at gumawa ng dalawang krusyal na  drop shots sa huling bahagi ng laro na nagdala sa FEU sa  20-25, 25-22, 25-22, 20-25, 16-14 panalo laban sa Ateneo upang kunin ang solo lead sa 3-0.