Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
8:30 a.m. – SSC-R vs EAC (Men)
12 noon – SSC-R vs EAC (Women)
2 p.m. – LPU vs Letran (Women)
4:30 p.m. – LPU vs Letran (Men)
SISIMULAN ng Lyceum of the Philippines University ang mabigat na two-match stretch na magpapasya sa kanilang season sa pagharap sa Letran sa NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa San Andres Sports Complex.
Tangan ang one-game lead kontra sixth-running Lady Knights, ang Lady Pirates ay all-out sa 2 p.m. duel kung saan sisikapin ng tropa ni coach Cromwel Garcia na makalapit sa pagkopo ng breakthrough Final Four appearance.
Matapos ang Letran, ang LPU, na kasalukuyang tabla sa walang larong Mapua sa third place sa 5-2, ay sasagupa sa isa pang contender, ang University of Perpetual Help System Dalta, sa Biyernes.
Ang Lady Pirates ay nanalo sa kanilang huling dalawang laro, kapwa kontra sibak nang mga koponan.
“Masaya po pero hindi pa rin kami kampante, kailangan pa rin naming pagtrabahuhan para makuha po namin ‘yung goal namin,” wika ni open spiker Joan Doguna, na nagbida sa mga panalo ng LPU kontra Emilio Aguinaldo College at San Beda noong nakaraang linggo.
Ang Lady Knights, nasa No. 6 na may 4-3 record, ay galing sa 23-25, 21-25, 32-30, 19-25 loss sa Lady Altas noong nakaraang Linggo.
Naunang yumuko ang Letran sa defending champion College of Saint Benilde, 19-25, 18-25, 22-25.
Galing sa tough losses laban sa top two teams ng liga, ang Lady Knights ay umaasa na agad makapag-regroup upang manatili sa Final Four hunt.
Pasok na ang Lady Blazers sa Final Four na may 7-0 record ay dalawang panalo na lamang ang kailangan para dumiretso sa Finals. Pumapangalawa ang Perpetual na may 6-1 kartada.