LADY PUSHER, HULI SA P150,000 HALAGA NG SHABU

girl huli

ARESTADO ang isang kilalang lady pusher na matagal nang minamanmanan ng mga tauhan ng Caloocan City police sa buy bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan police chief Sr. Supt. Restitu Arcangel ang naarestong suspek na si Soraida Lomondot alyas “Aira”, 33, ng 0296 Elcanto St., Sta Rita Guiguinto, Bulacan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy bust ope­ration kontra sa suspek ang mga tauhan ng Caloocan Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PSI John David Chua sa koordinasyon sa Quezon City Po-lice sa overpass sa EDSA malapit sa Savemore, West Avenue.

Agad inaresto ng mga opera­tiba ang suspek matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P2,000 sa pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P150,000 street value ang halaga at P2,000 buy bust money. VICK TANES

4 thoughts on “LADY PUSHER, HULI SA P150,000 HALAGA NG SHABU”

Comments are closed.