LADY SPIKERS IPINUWERSA ANG THREE-WAY TIE SA NO. 1

SINA Shevana Laput at Thea Gagate ng DLSU. UAAP PHOTO

Mga laro sa Sabado:
(Philsports Arena)

10 a.m. – FEU vs UP (Men)

12 noon – AdU vs NU (Men)

2 p.m. – FEU vs UP (Women)

4 p.m. – AdU vs NU (Women)

RUMESBAK ang defending champion La Salle subalit kinailangang malusutan ang matamlay na simula upang pataubin ang Adamson, 17-25, 25-19, 25-11, 25-22, at maipuwersa ang three-way tie sa unang puwesto sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Wala si reigning MVP Angel Canino sa ika-4 na sunod na laro, nawala rin sa Lady Spikers si Jyne Soreño dahil sa left arm injury sa huling bahagi ng  first set makaraang bumangga kay libero Lyka De Leon habang tinatangkang i-dig ang bola. Hindi na siya muling ipinasok, at bumalik sa bench na naka-sling.

May 10-2 kartada, ang La Salle ay tabla ngayon sa  University of Santo Tomas at National University, na nagpahigpit sa karera para sa dalawang twice-to-beat berths sa Final Four.

Sa sumunod na laro, bumawi ang Far Eastern University mula sa  third set meltdown upang gapiin ang University of the East, 25-19, 25-15, 22-25, 25-16, at mapanatiling buhay ang kanilang pag-asa na makakuha ng twice-to-beat Final Four incentive na may 8-4 record.

“Actually nung first set talagang sobrang tentative yung galaw nila naghihintayan walang gustong maglead. ‘Yun ‘yung naging resulta. Pag walang naglilead nagiging pangit ‘yung galaw,” wika ni Lady Spikers assistant coach Orcullo. “Buti na lang nanalo, nakuha ‘yung second set at nagtuloy-tuloy. A win is a win pa rin talaga kahit masama yung laro.”

Nagtala si Shevana Laput, patuloy na pinupunan ang butas na iniwan ni Canino sa opensa, ng personal career-high 24 points, kabilang ang 2 blocks, habang gumawa si Thea Gagate ng 3 blocks para sa 12-point effort para sa La Salle.

Matapos ang scoreless first two sets, kumana si Alleiah Malaluan ng 8 points sa huling dalawang sets, habang napantayan ni setter Julia Coronel ang 3 blocks ni  Gagate at gumawa ng 19 excellent sets para sa Lady Spikers, na bumawi mula sa four-set defeat sa Lady Bulldogs noong Linggo.

Nanguna si Chenie Tagaod para sa Lady Tamaraws na may 21 points, 6 digs at 5 receptions habang nag-ambag si Gerzel Petallo ng 14 points, 10 digs at 4 receptions.