Mga laro sa Sabado:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. – UE vs DLSU (Men)
10 a.m. – UST vs NU (Men)
2 p.m. – UE vs DLSU (Women)
4 p.m. – UST vs NU (Women)
IPINALASAP ng Milena Alessandriniless University of Santo Tomas sa defending champion De La Salle ang unang back-to-back defeats nito sa loob ng halos apat na taon sa pamamagitan ng 25-20, 25-22, 25-17 panalo sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Walang nagawa ang Lady Spikers sa determinasyon at pagiging agresibo ng inspiradong Tigresses.
“Big win para sa amin. Dedicated namin ang laban para kay Amiga. Physically and mentally, na-prepare namin ang mga bata,” wika ni UST coach Kungfu Reyes, patungkol sa palayaw ni Alessandrini. “Naging motivation namin ang pagkawala ni Milena.”
Ito ang unang magkasunod na talo ng De La Salle magmula nang mabigo sa Ateneo sa best-of-three championship series noong Marso 11 at 14, 2015.
Nauna rito ay naipagpatuloy ni rookie Lycha Ebon ang kanyang solid play nang igupo ng Far Eastern University ang University of the East, 25-15. 24-26, 25-22, 20-25, 15-9, para sa kanilang unang back-to-back wins ng season.
Kumana si Ebon ng career-high 21 points, kabilang ang match-clinching spike, at tatlong service aces para sa Lady Tamaraws na tumabla sa Lady Spikers at Tigresses, habang ipinalasap sa Lady Warriors ang ika-4 na talo sa limang laro.
Tumiap si high-flying Sisi Rondina ng 19 points, kabilang ang dalawang blocks at 14 receptions, habang nag-ambag si rookie Eya Laure ng 15 hits at 17 digs para sa UST.
Sa men’s division, nagtuwang sina RJ Paler at JP Bugaoan para sa 23 hits nang mapalawig ng FEU ang kanilang perfect run sa limang laro sa pamamagitan ng 25-10, 25-21, 25-18 pagbasura sa UE, habang pinadapa ng UST, sa likod ng 18 points ni Jao Umandal, ang De La Salle, 25-22, 25-18, 25-17, upang umangat sa 3-2 sa solo fourth.
Comments are closed.