Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. – UST vs UP (Men)
10 a.m. – FEU vs Ateneo (Men)
2 p.m. – UST vs UP (Women)
4 p.m. – FEU vs Ateneo (Women)
WINALIS ng De La Salle ang Adamson, 25-16, 25-21, 25-20, upang sumalo sa liderato sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Napanatili ni rookie Jolina dela Cruz ang kanyang magandang laro para sa Lady Spikers sa kinamadang 10 points at 18 digs, gumawa sina Aduke Ogunsanya at Desiree Cheng ng tig-9 points, at nagdagdag si Michelle Cobb ng 25 excellent sets.
Ang De La Salle at ang walang larong University of the Philippines ang tanging undefeated teams sa kaagahan ng season.
Nauna rito ay ginulantang ng kulang sa taong National University ang University of the East, 25-19, 25-23, 25-19, upang ibigay kay bagong coach Norman Miguel ang kanyang unang panalo.
Nagpakawala ang four-peat seeking Lady Spikers ng 9-1 run upang kunin ang opening set at inapula ang mainit na paghahabol ng Lady Falcons sa 9-18 deficit sa third upang umangat sa 2-0 kartada.
“Hindi ko rin inaasahan na gagalaw nang maayos ang mga bata. Knowing Adamson, very effective ang floor defense tapos, good passer. Maayos din ang set play nila. Siguro, mas nakakilos lang nang maayos ang mga bata,” wika ni De La Salle coach Ramil de Jesus.
Sa men’s division, nagtala si Bryan Bagunas ng 24 points nang rumesbak ang titleholder NU mula sa shocking straight sets loss sa FEU noong Linggo sa pamamagitan ng 25-13, 25-18, 25-18 pagbasura sa UE, habang gumawa si Pao Pablico ng 18 points nang sumalo ang Adamson University sa liderato matapos ang 25-21, 23-25, 25-19, 25-17 pagbasura sa De La Salle.
Sinamahan ng Falcons ang Tamaraws sa 2-0.
Comments are closed.