INANUNSIYO kahapon ng Far Eastern University ang pagbibitiw ni legendary setter Tina Salak bilang women’s volleyball head coach.
Ito ay makaraang gabayan ni Salak ang Lady Tamaraws sa fifth place finish sa katatapos na UAAP women’s volleyball tournament, isang malaking turnaround mula sa one-win campaign noong nakaraang season.
“Coach Tina will soon migrate to the USA as her immigrant visa application recently got approved,” pahayag ng FEU Athletics office sa isang post sa kanilang social media accounts.
“She will remain with the team as consultant while she plans her move to the US.”
Si coach Manolo Refugia ang hahawak sa Lady Tamaraws sa interim basis sa V-League Collegiate Challenge na nakatakda sa huling bahagi ng taon.
“Let’s all wish the best for Coach Tina as she moves on to this new phase of her life,” dagdag ng FEU Athetics office.
Mawawala sa Lady Tamaraws si Season 85 Best Opposite Spiker Jov Fernandez, na naging pro na. Si Fernandez ay lalaro para sa F2 Logistics sa Premier Volleyball League Invitational Conference na papalo sa June 27.