LADY VOLCANOES MAPAPALABAN SA JAKARTA

Rugby Team

AALIS ang Philippine women’s rugby sevens team patungong Jakarta bukas upang sumabak sa 2019 Asia Rugby Women’s Trophy Series.

“This is a preparation tournament for the SEA Games,” wika ni Volcanoes team manager Jake Letts sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel-Manila.

Determinado ang Philippine team na suportado ng First Pacific, MVP Sports Foundation at ng Philippine Sports Commission (PSC) na mahigitan ang silver medal finish nito noong nakaraang taon.

“In 2018, our girls played some very good rugby sevens, This year, we are looking to replicate that performance and go one step further,” wika ni coach Chris Everingham.

Nagsanay ang koponan ng walong linggo at ginawa ang lahat ng kanilang makakaya, kabilang ang video analysis ng kanilang mga katunggali upang hanapin ang lakas at kahinaan ng mga ito.

Ang Filipinas ay nasa Pool A kasama ang Guam, Indonesia, Brunei at Chinese Taipei. Nasa Pool B naman ang top seed South Korea, ­India, Laos, Bangladesh at ­Qatar.

Kasama nina Letts at Everingham sa forum sina players Rassiel Sales, Lily Smythe, Happy Denuyo at Maia Sobejana.

Sila ang bubuo sa core ng koponan na sasabak sa SEA Games sa Clark.

“Whatever we’re doing is geared toward the SEA Games,” wika ni Everingham patungkol sa koponan na sisikaping mahigitan ang bronze medal finish noong 2015 sa ­Singapore. CLYDE MARIANO

Comments are closed.