LAGLAG NA SI MAGNO

Irish Magno

SIBAK na si Filipina boxer Irish Magno sa medal contention sa women’s flyweight division matapos na malasap ang unanimous decision loss kontra Jutamas Jitpong ng Thailand sa Round of 16.

Apat na judges ang nagbigay ng iskor na 30-27 pabor kay Jitpong habang ang isa ay 29-28 para sa Pinay boxer.

Ang Thai boxer ay hindi na bago kay Magno.

Ang dalawa ay nagkaharap sa semifinals ng 2019 Southeast Asian Games kung saan namayani si Magno. Gayunman ay nagkasya ang Pinay sa silver medal makaraang yumuko kay Nguyen Thi Tam ng Vietnam sa gold medal match.

Si Magno ay galing sa dominanteng panalo kontra Christine Ongare ng Kenya sa Round of 32 noong Linggo. CLYDE MARIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *