LAGPASAN NATIN ANG PAGSUBOK!

edwin eusebio

Nakahihindik, nakababahala

Mga nangyayari ngayon sa balat ng Lupa

Iisa-isahin natin para sa inyong pang-unawa

 

Kaganapan sa Mundo, tunay na nakabibigla

 

Nagkakasunod-sunod mga pagputok ng bulkan

Dito sa Filipinad, Mexico, Guatemala at Japan.

Nakisabay rin ang sa Peru, Sumatra,Indian Ocean.

Gayundin sa Australia,Kamchatka,Columbia,at New Zealand.

 

Ang nasusunog na kagubatan ng Australia

Kumitil sa buhay ng milyong hayop sa teritoryo nila.

Ang labis na Niyebe sa Amerika na tila Freezer ang kapara

Ang Dubai na mainit ngayon ay binabagyo na…

 

Ang mga balang na ngayon ay nagliparan sa Uganda

Sino ba ang bumulabog sa kanilang kuta

Maging ang mga Sakit at Virus na Mula China…

Ohh Panginoon… ano pa po ba?

 

Banal nga po bang maituturing ang aming bansa?

Hindi po ba marami kaming mga Pastor, mga Pari, Mga dakila?

Bakit tila ang Dasal namin ngayon ay balewala..

Kung nagagalit ka ohh Diyos… IKAW NA PO ANG BAHALA.

Manatili po sanang Matatag pa rin ang Negosyo at Kalakal,

Malagpasan namin agad ang hirap at pagpapagal…

Batid naming ito ay mga pagsubok lamang…

Sa katatagan ng paniniwala namin sa’yo,  Diyos na Maykapal

One thought on “LAGPASAN NATIN ANG PAGSUBOK!”

  1. 355627 137745Once I originally commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now every time a remark is added I get four emails with the same comment. Is there any indicates you possibly can remove me from that service? Thanks! 807714

Comments are closed.