LAGUNA BUBBLE TARGET NG PVL

Ricky Palou

NAGHAHANDA na ang Premier Volleyball League (PVL) para sa inaugural tournament nito bilang isang professional league.

Sinabi ni PVL president Ricky Palou sa webcast ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon na target nilang idaos ang All-Filipino Conference sa Pebrero o Marso sa susunod na taon.

Kinokonsidera ng PVL ang isang bubble type tournament para sa walo o siyam na koponan, at dalawang venues ang pinagpipilian — ang Inspire Sports Academy at Trace College sa Laguna.

Ayon kay Palou, na sinamahan sa weekly forum ni superstar Alyssa Valdez, na gagayahin nila ang bubble ng PBA, na idinaraos ang Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

“The cost will be high but not as much as the PBA,” sabi ni Palou, ipinaliwanag na habang ang No. 1 basketball league sa bansa ay may budget na P65 million, ang PVL ay gagastos lamang ng P20 million.

“We are waiting for the quotations. Nothing is final yet,” ani Palou.

Itinuring naman ni Valdez na isang hamon ang desisyon ng PVL na maging professional.

“There’s added pressure. But at the end of the day there will be the extra push that we are now called professionals,” ani Valdez.

“We the players are excited to resume practice and eventually playing soon. It’s been a while since we played volleyball,” dagdag pa niya.

Bukod sa Creamline, ang iba pang mga koponan sa liga ay ang Choco Mucho, Motolite, Petro Gazz, BanKo-Perlas, Chef’s Classic, Bali Pure, Air Force at  Army.

Sinabi ni Palou na magkakaroon ang PVL ng six-week schedule, at maaaring gawin ang mga laro araw-araw upang makatipid. Ang maganda, aniya, sa napipisil nilang  venues ay ang pagkakaroon ng mga ito ng competitive court.

“Everything is there. No need to travel in and out just to get to the playing venue unlike what the PBA is doing. I think that is safer,” ani Palou.

Ang PVL ang unang professional volleyball league sa bansa makaraang aprubahan ng Games and Amusements Board (GAB) na pinamumunuan ni Abraham Mitra ang aplikasyon nito.

20 thoughts on “LAGUNA BUBBLE TARGET NG PVL”

  1. 286443 969205Id need to verify with you here. Which isnt something I often do! I take pleasure in reading a post that might make men and women believe. In addition, thanks for allowing me to comment! 582770

Leave a Reply

Your email address will not be published.