Lahat ng Globe At Home customers naka-fiber na sa 2022

GLOBE

UMAASA ang Globe At Home na lilipat na ang lahat ng broadband customers nito sa pinakabagong fiber technology sa 2022, bilang bahagi ng #1stWorldNetwork commitment nito na maghatid ng mas mahusay na internet experience.

Mula sa DSL at LTE ay mahigit isang taon nang inililipat ng Globe At Home ang  broadband customers nito sa fiber nang libre at malapit na itong matapos. Hanggang noong Oktubre, ang migration ay umakyat na ng mahigit sa 250%, kung saan nahigitan nito ang 2021 target. Layon ng Globe na makapagkabit ng hindi bababa sa  1.4 million FTTH lines ngayong taon.

“By 2022, all of our customers will be able to enjoy fast fiber technology capable of handling the present and future needs of the household.  We will continue to guide them for an easy and smooth transition,” pahayag ni Barbie Dapul, Globe At Home Vice President for Marketing.

Ang Globe At Home customers sa fiber ay makararanas ng maximum speeds na 1Gbps. Nangangahulugan ito na makapagsasagawa sila ng tuloy-tuloy na HD video calls tuwing work meetings o virtual classes, o maging ng lag-free gaming, sa pamamagitan ng mas mabilis na upload at download speeds.

Sa pinakahuling internal survey na isinagawa ng Globe sa mga customer na lumipat sa fiber ay lumitaw na tumaas na ng 45 points ang customer satisfaction.

“The internet connection is extremely good!” pagbabahagi ng isang Globe At Home customer. “Its speed is awesome!” sabi ng isa pa.

Sa Unli FIBER Up plans na may kasamang Globe Fiber, ang subscriptions na 1499 lamang ay may libreng access sa KonsultaMD, isang 24/7 consultation service sa licensed doctors.  Samantala, ang may Plans 1699 at pataas ay may libreng three-month access sa VIU, HBO Go, Amazon Prime Video, Upstream, at WeTV bukod pa sa libreng KonsultaMD. May libreng landline at UNLI calls din sila sa Globe.

Ang Globe ay patuloy na namumuhunan sa ICT infrastructures para mapagbuti at maipagkaloob ang pinakamahusay na serbisyo sa mga customer nito upang maibigay ang #1stWorldNetwork sa mga Pilipino sa buong bansa.

Masigasig na sumusuporta ang Globe sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa papel na ginagampanan ng imprastruktura at inobasyon bilang krusyal na tagapagtulak ng economic growth at development. Ang Globe ay committed na pagtibayin ang UN Global Compact principles at makapag-ambag sa  10 UN SDGs.