NAKA-LOCKDOWN na rin ngayon sa Malacañang Complex para mag-self quarantine ang lahat ng miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Inihayag ni PSG Commander Col. Jesus Durante na inoobliga niya lahat ng PSG personnel na mag-self-quarantine simula ngayong araw na ito Marso 28.
Ayon kay Col. Durante, walang PSG personnel ang maaaring lumabas ng Malacañang Complex habang naka-quarantine.
Mananatili naman ang pasok ng skeletal force ng Office of the President (OP) pero kailangang sumailalim sa mga screening procedures.
Ang aksIyon ni Col. Durante ay bunsod ng exposure ng PSG members sa ilang opisyal ng gobyerno na nagpositibo sa COVID-19 at na-expose rin sa mga itinuturing na persons under investigation (PUIs).
Magugunitang lumilitaw na positibo na rin sa COVID-19 si AFP chief of staff Gen Felimon T. Santos at ilang kongresista at senador.
“I require all PSG personnel to go on self-quarantine effective 28 March. No PSG personnel to go out of Malacanang Complex until 10 April,” ani Durante
Dagdag pa nito na: “Office of the President personnel is to maintain their skeletal workforce and shall be allowed to go to their respective offices within Malacañang Complex subject to regular screening procedures. The lockdown only applies to PSG personnel,” ani Col. Durante. VERLIN RUIZ
Comments are closed.