MATAPOS ang matagal na pagkabinbin, nakatakda nang maglabas ng license plates sa mga sasakyan simula sa Huwebes.
Tiniyak ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade matapos na matigil ang pag-iisyu ng car plates nang mag-isyu ang Commission on Audit ng notice of disallowance sa Land Transportation Office dahil sa umano’y mga anomalya sa kanilang limang taong kontrata sa suppliers.
Sinabi ni Tugade na inaasahan niya na ang lahat ng mga sasakyan ay magkakaroon na ng license plates sa first quarter ng 2019.
“Mag-uumpisa na tayo mag-distribute sa July 5 ng mga plaka, pero huwag n’yo asahan na antimano lahat ay mabibigyan kasi mina-manufacture pa ito,” pahayag ni Tugade sa pagbubukas ng P25-million airport sa Maasin, Leyte kahapon.
Si Tugade ang panauhing pandangal sa inagurasyon ng passenger terminal building na kaya ang 300 pasahero kada araw.
“Matatapos ito hanggang first quarter sa papasok na taon. ‘Yung magiging backlog aayusin namin,” dagdag pa ng kalihim.
Comments are closed.