Jayzl V. Nebre
Photos by Ana Santos
Pwede bang lumangoy sa lawa? Of course, pero dapat ang matinding pag-iingat. Kailangang magsoot ng life vest kung hindi ka masyadong mahusay lumangoy, at siguruhing nakikita ninyo ang mga bata sa lahat ng oras. Mahirap na. Naitanong po iyan sa akin dahil namasyal ang friend naming si Ana Santos sa Lake Caliraya, isang man-made lake na makikita sa Lumban, Cavinti, at Kalayaan sa probinsya ng Laguna. Ginawa ito noong 1939, at dinebelop bilang popular spot for water sports and outdoor recreation tulad ng pangingisda.
Ito ay 1,200 above sea-level, at siguradong isa sa mga summer hotspots ng Laguna na pwedeng bisitahin ng mga local and foreign tourists bawat taon. Pag-aari ito ng Megaworld Corp., at mina-manage ng Global-Estate Resorts, Inc. (Geri), at pinagkagastusan ng halos P8 billion para maisaayos sa loob ng sampung taon. Nakapalibot ang The Hamptons Caliraya, isang ‘integrated lifestyle community’ development sa Lumban-Cavinti, Laguna, sa Lake Caliraya. Malapit din dito ang Caliraya Dam, isang embankment dam sa Lumban, saSierra Madre Mountain Range.
Tulad ng nasabi na, ang Caliraya Lake iay man-made lake na ginawa noong 1939 matapos gawin ng US Army Corps of Engineers ang Caliraya Dam. Ginawa ang dam para makakuha ng tubig at kuryente para sa Southern Luzon.
Sa ngayon, kinagigiliwan ang Lake Caliraya sa gliding through the air with Parasailing, Jet Skiing, pamamangka gamit ang Hobie Cat Sailing, Kayaking, Flyboarding, at iba pang stunts. I love Lake Caliraya. Sana kayo rin, aSamantalahin ang summer.JVN