KUMAMADA si Nikola Vucevic ng 35 points nang silatin ng Orlando Magic ang top seeded Milwaukee Bucks, 122-110, sa opening game ng kanilang NBA Eastern Conference playoff series kahapon.
Maagang kumarera ang Magic sa double digit lead pagkatapos ay hinawi ang second-half rally ng Bucks, na pinagbidahan ni league’s top player Giannis Antetokounmpo.
Pumasok ang Orlando sa series bilang malaking underdogs laban sa best all-around team ng liga.
Kumalawit din si Vucevic, ng Montenegro, ng 14 rebounds at nagbigay ng 4 assists. Tumapos si Terrence Ross na may 18 points at 6 rebounds, habang nagdagdag si DJ Augustin ng 11 points at 11 assists para sa Orlando, na bumuslo ng 49 percent mula sa field at gumawa ng 16 baskets mula sa 3-point area.
Nakalikom si reigning league MVP Antetokounmpo ng 31 points, 17 rebounds at 7 assists.
Tinapayas ng Milwaukee ang kalamangan sa 62-52 sa half, pagkatapos ay sinimulan ang third quarter sa 16-7 run upang ibaba ang bentahe ng Orlando sa isang puntos.
Silat din ang No. 1 Los Angeles Lakers nang pataubin ng Portland Blazers, 100-93, sa Game 1 ng kanilang first-round series.
Nagbuhos si Damian Lillard ng game-high 34 points, habang nagdagdag si CJ McCollum ng 21 points at 5 rebounds upang kunin ng Blazers ang 1-0 bentahe laban sa Lakers sa best-of-seven series.
Sa pagkatalo ay nabasura ang triple-double ni LeBron James na 23 points, 17 rebounds at 16 assists. Nanguna si Anthony Davis para sa Lakers na may 28 markers.
Samantala, nagtala si James Harden ng double-double nang bombahin ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder, 123-108, sa Game 1 ng kanilang playoff series sa Western Conference.
Tumabo si Harden ng 37 points at 11 rebounds para sa Rockets, na kinuha ang 1-0 lead sa best-of-7 series. Binura ng dating league Most Valuable Player ang tanging deficit ng Houston sa laro sa first quarter nang maisalpak niya ang isang three-pointer para sa 9-all deadlock.
Naipasok ni Ben McLemore ang sarili niyang triple sa sumunod na possession ng Houston, at kumawala ang Rockets magmula rito. Umabante sila ng hanggang 23 points sa laro.
Sa iba pang laro, naitala ni Goran Dragic ang 14 sa kanyang 24 points sa fourth quarter upang pangunahan ang Miami Heat sa 113-101 panako kontra Indiana Pacers sa pagsisimula ng kanilang East first-round series.
Tinapyas ni Aaron Holiday ang kalamangan ng Miami sa 91-90 sa kalagitnaan ng fourth, at naipasok ni Dragic, na isinama sa starting lineup kapalit ni rookie Kendrick Nunn, ang pares ng 3-pointers upang tumulong sa pagbigay sa Heat ng 101-93 kalamangan.
Tumapos si Jimmy Butler na may game-high 28 points at 4 steals, habang nag-ambag si fellow All-Star Bam Adebayo ng 17 points, 10 rebounds, 6 assists atb 3 blocks para sa Heat.
973875 219506Thanks for the post, was an interesting read. Curious as to how you came about that solution 524584
506957 562894I used to be recommended this internet internet site by my cousin. Im no longer confident whether this put up is written via him as nobody else know such exact approximately my issue. You are amazing! Thank you! 422393
861825 179175I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only lately have I got a chance to checking it and have to let you know nice work. 955279