LAKERS, HEAT SA CONFERENCE FINALS

lakers vs thunders

NAGBUHOS si LeBron James ng 30 points at nagdagdag si Anthony Davis ng 17 points at 20 rebounds at ibinalik ng dynamic duo ng Los Angeles Lakers ang franchise sa Western Conference finals sa ikalawang pagkakataon magmula noong 2010 sa pamamagitan ng 122-101 panalo kontra bisitang Golden State Warriors nitong Biyernes.

Umiskor si Austin Reaves ng 23 points at tumipa si D’Angelo Russell ng 19 para sa Lakers na nanalo sa conference semifinals sa anim na laro at sinibak ang defending NBA champions.

Umangat ang Lakers sa 6-0 sa home sa playoffs. Naglaro si Davis played sa kabila ng injury na kanyang natamo sa fourth quarter ng Game 5.

Kumabig si Draymond Green ng 9 points at 9 rebounds para sa Warriors. Si Green ay pinabagal ng calf injury sa fourth quarter, habang naglaro si Andrew Wiggins na may rib cartilage fracture at umiskor lamang ng 6 points.

Lumamang ang Lakers ng 17 points sa unang pitong minuto ng laro. Makakasagupa ng Lakers ang Denver Nuggets sa road sa Game 1 ng Western Conference finals sa Martes.

Tumabo si Stephen Curry ng 32 points at nagdagdag si Donte DiVincenzo ng 16 mula sa bench para sa Warriors na natalo sa isang Western Conference team sa playoffs sa unang pagkakataon magmula nang maging head coach si Steve Kerr sa 2014-15 season.

Nagkumahog si Klay Thompson sa ika-4 sunod na laro, bumuslo lamang ng 2 of 12 mula sa 3-point range at tumapos na may 8 points para sa Golden State. Ang Warriors ay 13 of 48 (27.1 percent) mula sa 3-point range.

HEAT 96, KNICKS 92
Nakakolekta si Jimmy Butler ng 24 points at 8 rebounds upang tulungan ang host Miami Heat na itakas ang 96-92 panalo kontra New York Knicks at magwagi sa kanilang Eastern Conference semifinal series sa anim na laro.

Nagposte si Miami’s Bam Adebayo ng 23 points at 9 rebounds at umiskor si Max Strus ng 14 points. Nagdagdag si Kyle Lowry ng 11 points at 9 assists mula sa bench para sa Heat, na naging unang No. 8 seed na umabante sa conference finals magmula nang gawin ito ng Knicks noong 1999.

“We are just resilient. We have a great culture. We have a great coach, a great locker room, we have great players and we have Jimmy Butler. Shoutout to Jimmy,” sabi ni Lowry sa NBA TV.

Umusad ang Miami sa conference finals sa ikatlong pagkakataon sa apat na seasons at makakasagupa ang mananalo sa semifinal series sa pagitan ng third-seeded Philadelphia 76ers at second-seeded Boston Celtics. Tabla ang series sa 3-3, kung saan gaganapin ang Game 7 sa Linggo sa Boston.

Ang Game 1 ng Eastern Conference finals ay lalaruin sa Boston o Philadelphia sa Miyerkoles. Nagtala si Julius Randle ng 15 points at 11 rebounds at nag-ambag sina RJ Barrett at Josh Hart ng tig-11 points para sa fifthseeded Knicks.