HUMATAW si Anthony Davis ng 27 points at season-high 25 rebounds, nagdagdag si LeBron James ng 29 points at naitakas ng host Los Angeles Lakers ang 120-109 panalo laban sa short-handed Minnesota Timberwolves noong Linggo ng gabi.
Umiskor si Austin Reaves ng 19 points, tumipa si Rui Hachimura ng 15 at nag-ambag si D’Angelo Russell ng 13 para sa Lakers na umangat sa 5-2 magmula noong Feb. 28.
Nagdagdag si Davis ng 5 assists, 7 steals at 3 blocks upang maging unang player sa kasaysayan ng NBA na may hindi bababa sa 25 points, 25 rebounds, 5 assists, 5?steals at 3 blocks sa isang laro.
Nagtala rin si James ng 9 assists at 8 rebounds sa loob ng 38 minuto makaraang lumiban siya sa panalo noong Biyernes laban sa Milwaukee Bucks dahil sa left ankle injury.
Umiskor sina Naz Reid at Anthony Edwards ng tig- 25 points para sa Timberwolves, na naglaro na wala si Karl-Anthony Towns (knee) para sa ikatlong sunod na laro. Hindi rin naglaro para sa Minnesota sina big man Rudy Gobert (hamstring) at Kyle Anderson (shoulder).
Tumipa sina Nickeil Alexander-Walker ng 15 points at Jordan McLaughlin ng 12 para sa Minnesota, na nahulog sa 2-4 magmula noong simula ng Marso makaraang magtala ng 8-3 noong Pebrero..
Thunder 124,
Grizzlies 93
Nagbuhos si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 points upang pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa panalo laban sa bisitang Memphis Grizzlies.
Bumuslo si Gilgeous-Alexander ng season-high five 3-pointers, kumana ng 5-for-7 mula sa arc, at kailanman ay hindi naghabol ang Thunder.
Nanatiling mainit ang Oklahoma City sa home, hinila ang kanilang winning streak sa home court sa siyam, ang longest active home streak sa NBA.
Ang Thunder ay nanalo ng tatlong sunod at 10 sa kanilang huling 12 upang umakyat sa top spot sa Western Conference.
Natalo ang Grizzlies sa back-to-back games at sa 16 sa kanilang huling 20.
76ers 79,
Knicks 73
Nakakolekta si Kelly Oubre Jr. ng 18 points, 10 rebounds at 3 steals upang pangunahan ang bisitang Philadelphia 76ers sa 79-73 panalo kontra New York Knicks.
Nagsalpak si Buddy Hield ng apat na 3-pointers upang tampukan ang kanyang 16-point performance mula sa bench. Kumalawit din siya ng 7 rebounds bago nagtamo ng injury sa kanyang kanang binti sa fourth quarter.
Umiskor si Paul Reed ng 13 points at kumabig si Tobias Harris ng 11 points at 12 rebounds para sa 76ers, na pinutol ang three-game skid sa pagdispatsa sa Knicks sa unang pagkakataon ngayong season. Muling maghaharap ang dalawang koponan sa New York sa Martes.
Ang point total ng Philadelphia ang pinaka-kaunti sa panalo ng isang NBA team ngayong season. Ang Los Angeles Clippers ang dating may hawak ng distinction sa 89-88 panalo kontra Minnesota Timberwolves noong Marso 3.
Bumuslo ang New York ng 32.5 percent lamang mula sa floor at 22.5 percent (9 of 40) mula sa 3-point range at may 21 turnovers upang tumapos na may lowest point total para sa isang laro sa NBA ngayong season.