LAKERS SA PLAYOFFS; WARRIORS SIBAK

HUMATAW si LeBron James ng 23 points, 9 rebounds at 9 assists at kinuha ng Los Angeles Lakers ang isang playoff berth sa 110-106 panalo laban sa host New Orleans Pelicans noong Martes ng gabi.

Nagdagdag si D’Angelo Russell ng 21 points para sa seventh-seeded Lakers, na lumamang ng hanggang 18 points sa  play-in game. Nagtala si Anthony Davis ng 20 points, 15 rebounds at 3 blocked shots para sa and Los Angeles.

Makakasagupa ng Lakers ang second-seeded Denver sa first round ng playoffs, kung saan gaganapin ang Game 1 sa Sabado sa  Colorado. Ang Nuggets ang defending NBA champions.

Umiskor si New Orleans star Zion Williamson ng  40 points sa 17-of-27 shooting at nakakolekta ng 11 rebounds bago lumabas, may 3:13 ang nalalabi sa laro dahil sa undisclosed injury.

Nagdagdag si Trey Murphy III ng 12 points para sa Pelicans at tumipa si Brandon Ingram ng 11.

Umiskor si Austin Reaves ng 16 points at nag-ambag si Rui Hachimura ng 13 para sa Lakers, na bumuslo ng 41.7 percent mula sa field at gumawa ng 14 of 35 (40 percent) mula sa 3-point range.

Bumuslo ang New Orleans ng 46.2 percent, kabilang ang 9 of 30 (30 percent) mula sa arc. Nagdagdag sina Jose Alvarado, Herbert Jones at Nance ng tig-10 points.

Kings 118,
Warriors 94

Nagsalpak si Keegan Murray ng walong 3-pointers at tumapos na may 32 points at 9 rebounds para sa Sacramento Kings na nanatiling buhay kasunod ng panalo kontra bisitang Golden State Warriors noong Martes ng gabi.

Nagdagdag si De’Aaron Fox ng 24 para sa ninth-place Sacramento, na nakontrol ang  9 vs. 10 play-in game. Bibisita ang Kings sa Pelicans sa Biyernes, kung saan ang magwawagi ang makakakuha ng No. 8 seed sa Western Conference playoffs at makakaharap ang top-seeded Oklahoma City Thunder.

Nagposte si Stephen Curry ng  22 points para sa Warriors, na pumasok na 10th sa West at hindi nakasampa sa playoffs sa ikatlong sunod na pagkakataon sa limang seasons. Gumawa si Curry ng 6  turnovers at ang kanyang long-time Splash Brother teammate, si Klay Thompson, ay may ‘forgettable contest’ sa pagsablay sa lahat ng kanyang 10 tira.

Tumipa sina reserves Moses Moody at Jonathan Kuminga ng tig-16 points para sa Warriors. Gumawa sina Golden State’s Draymond Green at Andrew Wiggins ng tig-12.

Ang panalo ay isang payback para sa Kings, na nasayang ang 2-0 lead sa first-round playoff series laban sa Golden State noong nakaraang season kung saan nanalo ang Warriors ng apat sa huling lima.

Kumabig si Harrison Barnes ng 17 points at nakalikom si Domantas Sabonis ng 16 points, 12 rebounds at 7 assists para sa Kings. Nagdagdag si Keon Ellis ng 15 points, 5 assists, 3 steals at 3 blocked shots para sa Sacramento, na bumuslo ng 43.9 percent mula sa field, kabilang ang 18 of 39 (46.2 percent) mula sa 3-point range.

Naipasok ng Warriors ang 41.2 percent ng kanilang field-goal attempts at 10 of 32 (31.2 percent) mula sa arc.