NAGPAKAWALA si Stephen Curry ng 3-pointer, may 1:07 ang nalalabi, at sumablay si LeBron James sa kanyang sariling tres sa buzzer upang maitakas ng Golden State Warriors ang 115-113 panalo laban sa Los Angeles Lakers noong Lunes.
Tumapos si Curry na may 26 points, ang huling tatlo ay nagbigay sa Golden State ng 115-110 kalamangan.
Sumagot si James ng dalawang free throws, may 51.2 segundo ang nalalabi, at gumawa si Los Angeles’ Dennis Schroder ng isa pagkalipas ng 21 segundo upang tapyasin ang deficit sa dalawa. Makaraang magmintis si Curry sa jumper, nakuha ng Lakers ang huling possession, may 11.3 segundo ang natitira.
Matapos ang timeout, ang nagawa lamang ni James ay ang tumira ng isang off-balance 28-footer na sumablay, at pumutol sa five-game winning streak ng Lakers.
Umiskor si Kelly Oubre ng 23 points, at nag-ambag sina Eric Paschall ng 19 at Andrew Wiggins ng 18 para sa Warriors.
NETS 125, BUCKS 123
Nagbuhos si James Harden ng 34 points at 12 assists at nagdagdag si Kevin Durant ng 30, kabilang ang go-ahead 3-pointer, may 36.8 segundo ang nalalabi, upang tulungan ang Brooklyn Nets na dispatsahin ang Milwaukee Bucks.
Si Harden ang unang Net na nakapagposte ng 30-point game sa unang dalawang laro sa koponan at nagdagdag din ng apat na rebounds. Bumuslo siya ng 13 of 25 mula sa floor at kumamada ng 13 points sa huling 12 minuto nang 10 beses na magpalitan ng kalamangan.
Ang pinakamalaking rebound ni Harden ay naganap, may 38 segundo ang nalalabi, nang magmintis siya sa isang 3-pointer at nakuha ang offensive rebound. Mabilis niyang nakita si Durant, na kalmadong isinalpak ang isang 3-pointer upang bigyan ang Brooklyn ng 125-123 bentahe.
Nagdagdag si Joe Harris ng 20, kabilang ang limang 3-pointers para sa Brooklyn na bumuslo ng 54.8 percent at kumonekta ng 15 sa 31 3-point tries.
Naglaro ang Nets na wala si Kyrie Irving (personal reasons, health at safety protocols) para sa ika-7 sunod na pagkakataon.
Kumana si Giannis Antetokounmpo ng 34 points para sa Milwaukee, na naputol ang four-game winning streak. Kumalawit din siya ng 12 rebounds at bumuslo ng 13 of 26 mula sa floor.
BULLS 125, ROCKETS 120
Tumirada si Zach LaVine ng game-high 33 points, nag-ambag si Lauri Markkanen ng 18 points at limang players ang gumawa ng hindi bababa sa tatlong 3-pointers nang pabagsakin ng host Chicago Bulls ang Houston Rockets.
Nasa kanyang team debut makaraang kunin mula sa Indiana bilang bahagi ng blockbuster trade noong nakaraang linggo na nagdala kay dating Houston star James Harden sa Brooklyn, nagbida si Victor Oladipo para sa Rockets na may 32 points.
Pitong players ang umiskor ng double figures para sa Bulls —Denzel Valentine (13 points, eight rebounds), Thaddeus Young (12 points, nine rebounds) at Wendell Carter Jr. (10 points, eight rebounds).
Nag-ambag si Garrett Temple ng 13 points at nagposte si Coby White ng 10 para sa Chicago.
HEAT 113, PISTONS 107
Naitala ni Bam Adebayo ang kanyang ika-5 double-double sa season na may 28 points at 11 rebounds upang tulungan ang short-handed Miami Heat na makahabol para sa 113-107 panalo kontra bisitang Detroit Pistons.
Kinamada ni Adebayo, nagbigay rin ng limang assists, ang 13 sa kanyang points sa fourth quarter at naipasok ang 10-of-11 mula sa foul line.
RAPTORS 116, MAVERICKS 93
Nakalikom si Kyle Lowry ng 23 points, 9 rebounds at 7 assists nang gapiin ng Toronto Raptors ang Dallas Mavericks.
Ito ang unang pagkakataon ngayong season na nanalo ng tatlong sunod ang Raptors at ito ang ikatlong sunod na kabiguan para sa Mavericks.
Napatalsik sa laro si Mavericks coach Rick Carlisle makaraang tanggapin ang ikalawang technical fouls, may 58 segundo ang nalalabi sa first quarter.
Comments are closed.