LAKERS TOP SEED SA WEST

Lakers

NAGPAMALAS si Anthony Davis ng superb performance upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 116-108 panalo laban sa Utah Jazz  sa kanilang ikatlong seeding game sa NBA restart noong Lunes (Martes sa Manila) sa Walt Disney World Complex.

Nagbuhos si Davis ng 42 points, 12 rebounds, 4 assists, at 3 steals, habang muntik nang maka-triple-double si LeBron James sa pagkamada ng 22 points, 9 assists, at 8 rebounds.

Sa panalo ay nakasiguro na ang Lakers sa No. 1 seed sa Western Conference sa playoffs.

Umabante ang Lakers ng hanggang 14 points at tangan ang  10-point lead, 86-76, papasok sa final frame. Subalit lumapit ang Jazz sa anim na puntos, 110-104, may 61 segundo ang nalalabi, mula sa three-pointer ni Mike Conley.

Subalit ayaw paawat ni Davis na kumana ng three-pointer at nakakuha pa ng foul kay Rudy Gobert. Ang kanyang four-point play ay nagbigay sa  Lakers ng 114-104 kalamangan, may 43 segundo sa orasan.

Isang four-point play ni Donovan Mitchell ang nagbigay sa Jazz ng pag-asa subalit masyado itong maliit at huli na, at sinelyuhan ni Davis ang panalo mula sa free throw line.

Ito ang ikalawang sunod na talo ng Utah, na nakasisiguro na ng isang playoff spot sa West.

Tumapos si Mitchell na may 33 points, habang gumawa si Conley ng 24 points at 8 eassists. Nagtala si Gobert ng double-double na 16 points at 13 boards.

SIXERS 132, SPURS 130

Naisalpak ni Shake Milton ang isang three-pointer, may 7.2 segundo sa orasan, upang ihatid ang  Philadelphia 76ers sa panalo kontra San Antonio Spurs sa kanilang in NBA seeding game.

Nabitiwan ng  Sixers ang 14-point lead at nakipagpukpukan sa Spurs sa krusyal na sandali upang kunin ang panalo.

Binigyan ni Derrick White ang San Antonio ng  130-128 bentahe, may 10 segundo ang nalalabi, subalit kalmadong isinalpak ni Milton ang isang hree-pointer pagkalipas ng ilang segundo upang ilagay ang Philadelphia sa trangko, 131-130, at hindi na lumingon pa.

May pagkakataon ang Spurs na bawiin ang kalamangan, ngunit nagmintis si Jakob Poeltl sa isang lay-up, may 2.4 segundo sa orasan, at sinelyuhan ni Joel Embiid pegged ang final scorer sa pamamagitan ng split sa line.

Ito ang unang talo ng Spurs sa NBA restart.

Tumapos si Embiid na may 27 points at 9 rebounds, at nagdagdag si Tobias Harris ng 25 points. Umiskor si Milton ng 16 points sa panalo.

Nanguna si DeMar DeRozan sa Spurs na may 30 points, subalit nagmintis siya sa three-pointer sa buzzer na nagbigay sana sa kanila ng panalo. Nagdagdag si Rudy Gay ng 24 points mula sa bench.

Comments are closed.