LAKERS UMESKAPO SA CELTICS

lakers vs celtics

TUMABO si Anthony Davis ng 32 points at 13 rebounds, nagbuhos si LeBron James ng 29 points, 9 assists at 8 rebounds, at nalusutan ng Los Angeles La­kers ang  career-high-tying 41-points ni Jayson Tatum upang masi­ngitan ang Boston Celtics, 114-112, noong Linggo sa Staples Center.

Kinuha ng Celtics ang 110-108 kalamangan, may 1:17 ang nalalabi, nang maipasok ni Jaylen Brown, umiskor ng 20 points, ang isang 3-pointer.

Isang fadeaway jumper ni James, may 30.4 segundo sa orasan, ang nagbigay sa Los Angeles ng kalamangan at hindi na lumingon pa. Tatlong free throws ni Davis sa huling 12 segundo ang nagselyo sa panalo ng Lakers.

Pinangunahan ni Dwight Howard, gumawa ng 10 points at humugot ng 7 rebounds mula sa bench, ang Lakers sa kaagahan ng fourth quarter sa pagtala ng anim sa unang walong puntos ng koponan sa naturang period.

Tumipa rin si Kyle Kuzma ng double figures mula sa bench para sa Los Angeles na may 16 points.

Ang lahat ng limang starters ng Boston ay nagtala ng double figures, kung saan nagdagdag si Daniel Theis ang 16 points at 9 rebounds, at nagposte si Marcus Smart ng 14 points at 7 rebounds.

BLAZERS 107,

PISTONS 104

Kumamada si CJ McCollum ng season-best 41 points, nagtala ng career-high 12 assists at kumalawit ng 9 rebounds upang pa­ngunahan ang Portland Trail Blazers sa panalo kontra bisitang Detroit Pistons.

Tumirada si Carmelo Anthony ng season-high 32 points para sa Trail Blazers, na naglaro na wala si star guard Damian Lillard (groin) sa ikalawang sunod na laro. Si Anthony ay 11 of 16 shooting, kabilang ang 5 of 9 mula sa 3-point range upang mapantayan ang season high mula sa 3-point area.

Nagdagdag si Hassan Whiteside ng 16 points, 17 rebounds at 4 blocked shots para sa Portland na pinutol ang three-game skid.

Tumipa si Christian Wood ng 26 points at 9 rebounds para sa Detroit, na nalasap ang ika-6 na sunod na kabiguan. Umiskor sina Brandon Knight at Derrick Rose ng tig-15 points at gumawa si Langston Galloway ng 13 points.

PELICANS 115, WARRIORS 101

Tumapos si Zion Williamson na may 28 points, ang kanyang pinakamarami sa isang road game ngayong season, at  naitala ni Nicolo Melli ang tatlo sa kanyang anim na 3-pointers sa fourth quarter upang pagbidahan ang New Orleans Pelicans kontra Golden State Warriors.

Umiskor si Williamson ng 13-for-20 at nagdagdag ng pitong rebounds, anim sa offensive end, upang tulungan ang playoff-hopeful Pelicans na manalo sa ika-5 pagkakataon sa kanilang huling anim na laro.

Tumipa sina Damion Lee ng 22 points at Jordan Poole ng 19 para sa  Warriors, na nalasap ang ika-6 na sunod na kabiguan.

Sa iba pang laro ay tinambakan ng Oklahoma City Thunder ang San Antonio Spurs, 131-103; at dinurog ng Toronto Raptors ang Indiana Pacers, 127-81.