LALABAG SA E-CIGARETTE BAN KULONG – PNP

Vape

CAMP CRAME – KASUNOD ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang vaping o e-cigarette, ipinag-utos ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa ang pag-aresto sa mahuhuling gumagamit nito.

Noong Martes ng gabi, inanunsiyo ng Pangulo na bawal na ang pag-vape sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Gamboa, inatasan niya ang lahat ng police units na istriktong ipatupad ang vaping-ban sa buong bansa.

Utos niya rin ang  pagkumpiska sa vaping paraphernalia at pag-account sa mga tindahan ng vape.

Kaugnay nito idineklara na rin ni Gamboa ang lahat ng kampo at himpilan ng PNP sa buong bansa bilang “no-vaping zones”

Babala ni Gamboa, ang mga pulis na mahuhuling lalabag sa kautusan ay mahaharap sa discip­linary action.

Ang heads of offices at mga unit commander ang magiging accountable sa pagpapairal ng va­ping-ban sa kanilang mga tauhan. REA SARMIENTO

Comments are closed.