(Lalaban kay Jones sa exhibition bout) TYSON BALIK-RUWEDA

mike tyson

LOS ANGELES – Sa edad na 54 ay magbabalik sa ruweda si Mike Tyson, ang dating world heavyweight champion na nagretiro noong 2005, kung saan lalaban siya kay Roy Jones, Jr. sa September 12 sa Los Angeles.

Sa kanyang Legends Only League website, inanunsiyo ni Tyson ang eight-round exhibition bout laban kay Jones, isang 51-year-old fighter na saglit na hinawakan ang heavyweight title at tuloy-tuloy na lumaban papasok sa kanyang 50s.

“It’s just going to be amazing,” wika ni Tyson sa isang video call sa ESPN.

Naniniwala si Tyson na hindi magtatamo ng serious injury ang sinuman sa kanila ni Jones dahil sa ilalim ng California rules, kapwa nila kailangang magsuot ng headgear para sa laban.

“We’re both accomplished fighters,” ani Tyson. “We know how to protect ourselves. We’ll be alright.”

Si Tyson ay may 50-6 record, kabilang ang 44 knockouts, habang si Jones, na huling lumaban noong February 2018, ay 66-9 na may 47 knockouts.

Nangako si Tyson na magiging kumpe­titibo ang laban  at hindi lamang para sa isang exhibition.

“We’re showing our skills and fighting. It’s 100 percent of it looking to be Mike Tyson in the ring,” sabi pa ni Tyson.

Sa duelo ng mga may edad na, sinabi ni  Tyson na nais niyang ipakita na may ibubuga pa sila.

“It’s because I can do it and I believe other people believe they can do it,” sabi pa ni Tyson. “We aren’t washed up. Somebody says over-age is washed up but they have a bigger fan base than the guys who are training now.”

Si Tyson ay naging pinakabatang heavyweight champion sa kasaysayan sa edad na 20 years at four months nang patigilin niya si Trevor Berbick sa second round noong 1986 upang kunin ang World Boxing Council crown.

Comments are closed.