LALAFOOD APP TITIGIL NA

LALAFOOD

NAKATAKDANG tapusin na ng kompanyang LalaFood ang kanilang food delivery service sa mga customer sa bansa.

Ito ang malungkot na pahayag ng kompanya kung saan hanggang Pebrero 15 ng kasalukuyang taon na lamang ito.

Sa isang statement, sinabi ng kompanya na itutuon na lamang nila ang kanilang operasyon sa ‘on demand courier service’ na LalaMove.

“In 2018, the Lalafood incubation project was started by Lalamove as a means to explore the food delivery sector. While as a company we have learnt a great deal from Lalafood, a decision has been made to redirect our focus entirely on our core Lalamove delivery business. February 15, 2021 will be the last day of Lalafood platform operations,” base sa statement ng kumpanya.

Hindi naman binanggit ng kompanya ang dahilan ng tigil operasyon ng LalaFood ngunit ang pandemic ang isa sa mga itinuturong na dahilan ng pagsasara nito.

Ang LalaFood ay isang food service app na nagde-deliver ng mga pagkain sa customers na umoorder online at unang ipinakilala sa Filipinas noong 2016 matapos itong magsimula sa Hong Kong noong 2013. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.