(Lalagdaan ng DA) $280-M LOAN SA WORLD BANK

World Bank

NAKATAKDANG lagdaan ng Department of Agriculture (DA) ang $280-million second additional financing (AF2) loan sa World Bank sa mga darating na buwan para tustusan ang mga proyekto sa ilalim ng Philippine Rural Development (PRDP).

Ayon sa DA, ang loan ay gagamitin sa pagpondo sa agriculture enterprise at rural infrastructure subprojects sa ilalim ng PRDP bilang bahagi ng second tranche ng $450-million funding mula sa World Bank na inaprubahan ng Investment Coordination Committee (ICC) noong 2016.

Ang loan ay kinabibilangan ng isang 18.3-million euro o P1 billion co-financing grant mula sa European Union, na inaasahang aaprubahan ng World Bank sa June 17. Ang formal loan signing ay nakatakda sa July.

“We look forward to more enable communities and expanded opportunities under the new normal with the approval of the AF2-EU,” wika ni Agri-culture Secretary William Dar.

Ang PRDP ay isang six-year national project na naglalayong makapagtatag ng isang modern, value chain-oriented, at climate-resilient agriculture and fisheries sector.

Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng local government units at ng pribadong sektor, na nagkakaloob ng mga mahahalagang infrastructure facilities, technology, at information para mapataas ang kita,  productivity, at competitiveness sa targeted areas.

“We must continue to improve our services and processes as the world is ever-changing, and as we gradually move towards a new way of living. It is also our responsibility to keep up with the times and offer innovative solutions on how to provide for a modern, climate-smart, and market-oriented agri-fishery sector,” ani Dar.

5 thoughts on “(Lalagdaan ng DA) $280-M LOAN SA WORLD BANK”

  1. 146243 705737Thank you for the good writeup. It in fact was a amusement account it. Appear advanced to far added agreeable from you! Even so, how could we communicate? 559223

Comments are closed.