LALAKAS NA ULIT ANG ALASKA

on the spot- pilipino mirror

FEELING insecure ang isang player sa kanyang teammate. Everytime  paglalaruin si player 2 ay hindi maganda ang ipinakikita ni player 1. Pero kung titingnan si player 2 ay walang-wala siya kay player 1. Malayong-malayo ang ipinakikita ni player 1 kay player 2. Sabi nga ng mga nakakaintindi ng basketball, sobra lang sa write ups  si player 2. Hindi naman totally magaling ang player na ito, athletic lang ang katawan nito pero walang-wala siya kay player 1.Marami na itong pinatunayan kaya dapat hindi ma-insecure ang basketbolista sa kanyang teammate. Sa totoo lang, marami pang bigas na kakainin si player 1 kay player 2.

oOo

Balik-Alaska na si Calvin Abueva laban sa Phoenix Fuel Masters. Malamang sa pagbabalik ni ‘D Beast’ ay mawawala na ang haka-haka na iti-trade siya sa  kampo  ng Brgy Ginebra. Maaaring tapos na ang suspensiyon ng Alaska management sa kanya pagkatapos nitong hindi magpakita  sa practice at laro ng team. Sa kanyang pagbabalik ay muling lalakas ang Gatas Republic na magkakaroon ng buhay ang pagpasok nila sa semis.

oOo

Mukhang hindi na natagalan ni coach Ricky Dandan ang palagiang talo ng team. Kaya naman iniwan na nito ang Columbian Dyip  team. Sa huling laro nila ay nagpaalam na siya. Ang assistant coach na si Johndel Cardel ang hahalili sa kanya. Si Cardel ay head coach ng RTU na ilang beses na rin naman niyang napag-champion. Minsan na ring naging head coach si Cardel sa GlobalPory  Batang Pier noong pinalabas  na si coach Franz Pumaren ay assistant lang sa team. Good luck, coach Cardel, sa bagong hamon sa iyong career.

oOo

Congrats sa lokal ng Valenzuela na nag-champion sa UNITY GAMES ng METRO MAMILA NORTH, laban sa lokal ng Malinta. Bago nakuha ng Valenzuela ang kampeonato ay dumaan muna ito sa butas ng karayom. Dahil bilog ang bola, ang lokal ng Valenzuela ang nag-champion. Nagpapasalamat kami sa ­aming KSKP BRO. JOEL PALAD, at sa bumubuo ng DISTRICT OFFICER ng BUKLOD MMN.

Comments are closed.