NAVOTAS CITY – KULONG ang isang 44-anyos na aircon technician matapos sapakin at habulin ng saksak ang isang traffic enforcer na nagtangkang humuli sa kanya dahil sa paglabag sa batas-trapiko kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Ferdinand Lauriano, residente ng 29 Padilla St., Brgy. San Jose.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Col. Balasabas, nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng C4 Road, Brgy. Bagumbayan North si Troy Tuazon, 46 at Philip Salvador, kapwa miyembro ng Navotas City Traffic and Parking Management Office (CTPMO) dakong alas-7:15 ng gabi nang pahintuin nila ang motorsiklong minamaneho ni Lauriano matapos salungatin ang daloy ng trapiko.
Sa halip na huminto, tinakbuhan ng suspek ang dalawang traffic enforcers kaya’t hinabol siya ni Tuazon hanggang sa makorner sa Padilla St., Brgy. San Jose.
Nang hingin ni Tuazon ang kanyang lisensiya, sunod-sunod na sapak ang ibinigay ng suspek na nagawa namang mailagan ng biktima. EVELYN GARCIA
Comments are closed.