NAGPAPAGALING na ang isang 50-anyos na lalaki mula sa tinamong sunog sa katawan matapos na silaban ito ng kanyang mga kainuman sa Barangay Bangkas Heights; Toril, Davao City.
Kinilala ng Davao City Police ang biktima na si William Chiong, residente sa lugar.
Nakipag-inuman ang biktima sa mga kapitbahay hanggang sa nakatulog ito dahil sa kalasingan sa ilalim ng isang puno.
Sinasabing pinagkatuwaan ng mga kapitbahay ang biktima hanggang isang lasing din na kainuman ang nagpasimuno para silaban ito habang natutulog.
Nalapnos ang likurang bahagi ng katawan ni Chiong na dinala agad sa ospital.
Agad din pinalabas ang biktima matapos malunasan ang mga lapnos na balat, subalit isinugod ulit ang biktima sa ospital kinabukasan matapos na magsuka ito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.