QUEZON – DEAD on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa kanyang bahay ng hindi nakilalang suspek sa Purok Masayahin, Brgy Ibabang Talim, Lucena City, nitong gabi ng October 6..
Kinilala ng Lucena PNP ang biktima na si Roderick Rodriguez Hicayo, 47 anyo, installer ng elevator at residente ng nasabing lugar.
Base sa report ng pulisya dakong alas-6:40 ng gabi nang puntahan ng apat katao na lulan ng dalawang motorsiklo ang biktima sa kanyang bahay, isa umano sa mga suspek ang bumaril sa biktima habang ang mga kasama nito ang nagsilbing lookout sa lugar.
Agad na binawian ng buhay si Hicayo sa tinamong tama ng mga bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Mabilis na tumakas ang apat na suspek matapos matiyak na wala ng buhay ang biktima.
BONG RIVERA