LALAKI PINAGBABARIL SA LOOB NG KOTSE

pinagbabaril

PATAY ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng ‘riding-in-tandem’ sa loob ng kotse sa Barangay Pasong Putik, Novaliches, Quezon City nitong Martes ng hapon.

Ang biktima na hindi pa nakikilala ay lulan ng kulay gray na Nissan Almera na may plakang  NCM 2935.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang ala-1:40 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Sampaguita St., Maligaya Park,  Brgy. Pasong Putik Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Patrolman Jayson Malvar, binabaybay umano ng biktima ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo at agad na pinagbabaril ang biktima.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek dala ang armas na ginamit sa pananambang.

Hanggang sa isinusulat ito ay patuloy pang nagsasagawa ng imbestigayon ang pulisya sa motibo ng pamamaslang. EVELYN GARCIA

One thought on “LALAKI PINAGBABARIL SA LOOB NG KOTSE”

  1. Time flies because Octomom Nadya Suleman is now celebrating her octuplets’ 13th birthday.
    Yes, you read that right. Suleman, 46, shared a throwback photo of her eight
    children in a new post on Instagram on Friday, Jan. 28, in honor
    of them officially becoming teenagers. In a tribute to Nariyah, Isaiah, Maliyah,
    Jeremiah, Noah, Josiah, Jonah and.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *