DAVAO CITY–PINAGSASAKSAK at wala ng buhay ang isang 32-anyos matapos kuyugin ng isang grupo ng kalalakihan sa nasabing lalawigan.
Idineklarang dead on the spot ang biktimang si Jericho Funcion na residente ng Brgy. 76-A Bucana, Davao City.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Davao City Police Office, nagtamo ang biktima ng 12 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos na pag-tulungan ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan.
Hinala ng mga imbestigador na posibleng napagtripan lamang si Funcion ng grupo o maaring may atraso ito sa mga suspek kaya dinayo pa sa kanilang lugar.
Nabatid na naglalaro ang biktima ng Mobile Legends sa may basketball court sa kanilang lugar kasama ang pinsan nito nang salakayin at habulin ng mga suspek .
Sa ginawang follow-up operation ng Davao City PNP, isang Jihad Galante na kabilang umano sa grupo ng mga suspek ang nadakip ng mga pulis habang patuloy pa rin ang paghanap sa mga kasamahan nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.