ILOILO CITY- ISANG 33-anyos ang nasugatan habang ilang establisimiyento ang napinsala matapos manalasa ang isang buhawi sa lalawigang ito.
Sa pahayag ni Charles Vincent Samodio ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), alas-11 ng umaga nang dumaan ang buhawi sa dalawang barangay ng lungsod partikular sa Buntatala at Tagbak sa distrito ng Jaro.
Tinamaan ng mga debris mula sa napinsalang mga establisimiyento ang isang lalaki na nagtamo ng mga sugat.
Ilan sa mga natamaan ng buhawi ay isang tindahan at ilang mga estasblisimiyento sa Tagbak, Jaro.
Samantala, wala namang naitalang pinsala sa residential houses.
Paalala ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CRRMO), sa tuwing may mamataang buhawi ay manatili sa loob ng mga bahay at iwasang lumabas sa mga bakanteng lugar.
EVELYN GARCIA