LALAKI TIMBOG SA MGA BARIL AT BALA

BULACAN- ARESTADO sa pamamagitan ng search warrant ang isang lalaki na nag-iingat ng mga baril at mga bala na walang kaukulang lisensiya sa Brgy, Pinaod sa San Ildefonso sa lalawigang ito.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo, kinilala ang nadakip na si Raul Reyes,nasa hustong gulang residente sa nabangit na lugar.

Kamakalawa ng umaga, nakuha mula sa bahay ni Reyes ang isang 12 gauge shot gun, isang 9MM pistol at ibat-ibang uri ng mga bala ng baril.

Habang dalawang iba pa na kapwa may warrant of arrest ang nadakip sa magkakahiwalay na lugar ng San Jose del Monte at Hagonoy na sina Kristian Yumul at Eldon John Marticio nasa hustong gulang na kapwa sangkot sa RA 9165 at Republic act 7610.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Camp Gen.Alejo Detention Cell. THONY ARCENAL