BULACAN – DALAWA katao kabilang ang isang pusher ang napatay nang manlaban sa bayan ng Baliwag at San Ildefonso habang sampung iba pa ang nadakip sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Bocaue at San Jose del Monte City kamakalawa ng hapon at kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Col. Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na sina alyas Ricky at Jerik Bartolome, 24-anyos, kapwa ng Sitio Daang Bakal, Barangay Sto. Cristo, Baliwag na kapwa nasawi bunga ng tama ng bala sa kanilang katawan matapos manlaban sa awtoridad.
Alas-6:00 ng gabi nang makatanggap ng impormasyon ang Baliwag Police hinggil sa pagwawala ng isang armadong lalaki na kalaunan ay nakilalang si alyas Ricky na naglalakad at armado ng caliber 45 pistol at nagpapaputok ng baril at tinututulan ang lahat nang nakakasalubong sa Barangay Sto.Cristo, Baliwag kaya mabilis na nagresponde ang awtoridad.
Aarestuhin na sana ng awtoridad ang suspek ngunit hindi nito isinuko ang kanyang baril at pinaputukan ang awtoridad kaya napilitang gumanti ng putok ang pulisya at mapatay ang suspek at makuha sa kanyang pag-iingat ang isang caliber pistol.
Samantala, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang magkasa ang Drug Enforcement Unit (DEU) San Ildefonso police ng buy bust operation sa Barangay Malipampang, San Ildefonso at kanilang target ang suspek na si Bartolome at kasama nito ngunit nakatunog ang mga suspek na undercover agent ang katransaksiyon kaya bumunot ng baril at nanlaban kaya napatay ito sa palitan ng putok.
Nakarekober ang Bulacan SOCO Team ng isang caliber 38 revolver at apat na pakete ng shabu kung saan isinagawa ang anti-illlegal drug operation sa ilalim ng overall supervision ni P/Lt.Col. Voltair Rivera, San Ildefonso police chief.
Samantala, 10 drug pusher pa ang nadakip ng DEU-Bocaue at DEU San Jose del Monte City kamakalawa ng hapon matapos kumagat sa inilatag na buy bust operation at nakumpiskahan ang mga nadakip ng kabuuang 35 pakete ng shabu at buy bust money at nakorner ang mga suspek matapos ang dalawang linggong surveillance operation. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.