NEGROS OCCIDENTAL – INAALAM ng Silay City Police Station kung may topak o lulong sa droga ang isang lalaki na pumatay sa kanyang sariling ama at kapatid sa pamamagitan ng taga nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon kay Silay City Police chief Major Rollie Pondevilla, hindi makausap ng matino ang 29 anyos na suspek ng arestuhin ito at isalang sa imbestigasyon.
Pinagtataga umano ng suspek hanggang sa mamatay ang kanyang amang si Ronilo Oroceo Sr., 62-anyos at kapatid sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Kapitan Ramon.
Nadamay umano ang kapatid dahil tinangka nitong saklolohan ang kanilang ama na duguan na at tadtad ng taga, subalit ayaw pang lubayan ng suspek.
Agad namang nadakip ng mga rumespondeng alagad ng batas ang tulalang suspek kayat hindi ito maka usap ng matino.
Hiniling na isalang sa medical examination ang suspek habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon sa kaso. VERLIN RUIZ
Comments are closed.