LALAKING ‘SINALVAGE’ NG PULIS IPINAHUKAY

HINUKAY

QUEZON CITY – WALANG natagpuang bangkay sa hinukay na lugar na itinuro ng babaeng preso na roon umano inilibing ang isang lalaki na pinatay umano ng pitong pulis sa lungsod na ito noong isang taon.

Ang paghuhukay ay isinagawa kasunod ng kahilingan ng ina ng lalaki na kinilala na si Raymond Aruta na nagpasaklolo sa Commission on Human Rights (CHR)  na siyang  kumonekta kay QCPD Director Brigadier General Joselito Esquivel.

“I would like to announce that the excavation conducted by the members of the Commission of Human Rights (CHR), National Capital Region (NCR) last March 28, 2019, on the disappearance of a certain Raymond Aruta who was allegedly killed by unidenti-fied policemen and was falsely reported by a drug suspect to have been buried at the vacant lot near the Police Community Precinct 1 of Masambong Police Station (PS2) yielded negative of any human remains as claimed by the mother of the victim,”  pahayag ni Esquivel.

Nag-ugat ang paghukay nang dumulog ang ina ni Aruta  na si Aling Herminia sa CHR nang sabihin sa kanya ni Rachel Wy alyas Inday, na nakapiit sa PCP 1 ng  Police Station 2 na pinatay ng mga pulis si Reynaldo Brillante alyas Raymon Aruta noong 2018.

Tinungo ni Aling Herminia ang lugar suba­lit pinigilan siya ng mga security guard dahil ito ay isang private property kaya nagpasaklolo sa CHR at sinimulan ang pag­huhukay.

Noong  January 16, 2019, ang QCPD ay nakatanggap ng isang liham mula kay Atty Ma. Teresa Diola, member ng CHR at humihingi ng police back up para sa paghuhukay sa naturang lugar, habang ang naturang sulat ay ipinadala rin kay  Regional Direc-tor NCRPO, PMGEN Guillermo Lorenzo T. Eleazar para sa pagpapa-clearance.

Noong January 17, 2019, isang Special Investigation Task Group sa pangunguna ni Acting Deputy District Director for Opera-tions PCOL Sydney Villaflor at ng 7 miyembro pa nito ay nagsimulang mag-imbestiga sa naturang pagkawala ni Raymond Aruta.

Sa kaparehong araw, agad namang nagsagawa ng ocular inspection ang QCPD kasama ang mga miyembro ng CHR-NCR kung saan umano ay ibinaon ang labi ni Raymond. Sa kabilang banda, hindi parin pinayagan ang naturang paghuhukay dahil walang paalam sa nagmamay-ari ng lupa habang nananatali ang kurdon sa lugar kung saan itinuro  ang libingan umano ni Raymond.

Si PLTC Soriano at Atty Diola ay nagkasundong humingi ng exhumation sa pagpapa-clearance at awtoridad mula sa Department of Transportation (DOTr).

Pinayagan ang natu­rang paghuhukay noong March 28, 2019, sa pa­ngunguna ni CHR Atty. Diana De Leon na sinaksihan pa ng dalawang representatives mu-la sa  DOTr, at 17 mula sa  DPWH at mga tauhan ng  PS 2 at mapag-alamang wala roon ang bangkay ni Raymond habang sa imbestigasyon naman ng CHR na ang naturang lugar ay terminated na.

Nilinaw rin ng pamunuan ng  QCPD  na wala silang itinatago tungkol sa pagkawala ng naturang biktima. Kung tutuusin, agad na nagsagawa ang QCPD sa isang Special Investigation Task Group patungkol sa ulat sa pitong pulis na naka-assigned sa nasabing lugar kung saan di umano inilibing ang biktima at naglabas ng order ng kanilang pagkarelib noong January 18, 2019 upang mabigyang daan ang naturang imbestigasyon. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.