QUEZON CITY – NASAGIP ng isang sekyu ang isang lalaki sa tangka nitong pagpapasagasa sa bagon ng Metro Rail Transit (MRT) na nataon namang sarado dahil sa Holy Week.
Ang naturang lalaki na umakyat mula sa footbridge ng nasabing MRT station na bigla na lamang tumalon sa pag-aakalang may daraang bagon ay nasagip ng sekyu sa Kamuning Station bandang alas-5:13 ng hapon nito lamang Abril 21, 2019.
Base sa inisyal na ulat ng mga awtoridad ang naturang kelot ay nakilalang si Guevara Soledad na nakitang tumalon sa riles ng naturang MRT at agad namang tumakbo hanggang patungong Quezon Avenue Station DAHILAN upang pahintuin ito.
Si Soledad ay kasalukuyan nang inilipat sa pangangalaga ng Quezon City Police Department (QCPD) Precinct 10 at inilipat na sa Brgy. South Triangle. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.