(Lalo na’t pinalawig ang ECQ) MAXIMUM TOLERANCE SA MAG-AAMOK DAHIL SA KAWALAN NG CASH AID AT FOOD PACKS

Archie Gamboa

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Gamboa na kaya  nilang sawayin at pahupain ang indibidwal na nag-wawala dahil hindi pa nakatatanggap ng relief goods at cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maging aniya sa sitwasyon sa mga initirik na checkpoints ay kontrolado rin ng pulisya habang daragdan ang pasensiya lalo na’t inaasahang marami ang magpupumilit na biyahero ngayong pinalawig ng hanggang Abril ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sa isang panayam, sinabi nito na alam na ng mga pulis na naka-deploy bilang frontliners sa checkpoint ang gagawin para maging ligtas ang bawat panig at maiwasan ang gulo kapag may nagpupumilit na lumabas ng isang lugar.

Kumpiyansa si Gamboa na dahil kabisado at armado ng guideline ang pulis, ay kaya nitong i-handle ang sitwasyon parra maiwasan ang pag-tatalo at aberya sa mga checkpoint.

Makatutulong din anya ang ipinatupad na rotation sa bawat checkpoint upang may sapat na pahinga ang mga pulis at humaba ang pasensiya ng mga ito.

Samantala, kompiyansa rin si Gamboa na kaya nilang pahupain ang mga mainit ang ulo na hindi pa nabibigyan ng relief goods at cash aid.

Isa lang aniya ang kanilang gagawin, at ito ay ay pairalin ang maximum tolerance para maiwasan ang malalang senaryo.

Magugunitang sa social media ay marami nang nagpapahiwatig ng sama ng loob dahil hindi alam kung kasama sila sa social amelioriation program (SAP) ng DSWD sa ilalim ng  ng Bayanihan Heal As One Act na pinondohan ng mahigit P200 billion. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.