LALONG MAAASAHANG MGA REPORMA-SALCEDA

Albay Rep Joey Sarte Salceda-2

HIGIT na malawak at makabuluhan ang mga repormang maaasahan ng bansa mula sa administrasyong Duterte batay sa mga bagong batas at programa ngayong kaalyado ng Pa­ngulo ang karamihan sa mga mambabatas sa Kamara at Senado.

Ito ang pananaw ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang ‘resident economist’ ng Kamara. Inaasahan niya na sesentro ang inaasahang mga reporma sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa Filipinas upang maging ‘globally competitive’ ito.

Ayon kay Salceda, ang mga reporma ay tutuon sa tatlong larangan – ‘economic, political and social’—at magsisilbing pangatlong haligi ng ‘Dutertenomics,” isang estratehiyang pangkabuhayang naglalayong ‘pabilisin ang paglawak ng kakayahan ng bansa sa politika at pananalapi tungo sa pag-unlad.”

Ang ‘Dutertenomics’ ay isang salitang binuo at ginamit ni Salceda sa kanyang 105 pahinang balangkas na inihain niya kay Pangulong Duterte sa simula ng kanyang panunungkulan noong Hulyo 2, 2016, isang programang naglalayong “palawakin ang ‘middle class’ at itaas ang antas ng pamumuhay ng limang milyong pamilya mula sa kahirapan para makasabay ang Filipinas sa mga karatig bansa nito, at lalong patibayin ang tiwala ng mga Filipino sa kanilang pamahalaan at lipunan.”

Tiniyak ni Salceda na nakaplano ang natu­rang mga reporma. Kasama sa mga batas pang-ekonomiya ang mga amyenda sa ‘Public Service Act’ na lilinaw sa mga konseptong ‘public services’ at ‘public utilities’ upang lalong mahikayat ang higit na maraming dayuhang mamumuhunan sa bansa; ang TRAIN 2 (HB 8083) o ‘Tax Reform for Attracting Better and Higher Quality Opportunities II (Trabaho) bill;’ mga amyenda sa ‘Retail Trade Liberalization; Foreign Investments Act; Fiscal Regime for the Mining Industry;’ ‘Real Property Valuation and Assessment; National Transportation Act; Capital Income and Financial Taxes Reform; Excise Tax Rates on Alcohol; National Competition Policy Act; Productivity Incentives; National Innovation and Policy Act; PPP Modernization; Collective Investment Scheme’ (na lahat ay akda ni Salceda); at ang ‘NFA Restructuring; EPIRA Amendments; Coconut Trust Fund.’

Sa repormang pampolitika, sinabi ng mambabatas na ang “Constitutional Pathways to Autonomy” ay nakahanda na rin. Kasama naman sa ‘social reforms’ ang paglikha ng ‘Department of Disaster Resilience, National Land Use Act; mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC); Lowering of Age of Criminal Liability (mga akda din ni Salceda); End of Endo/Contractualization Act; and the Government Service Insurance Systems Act.’

Bukod sa mga nabanggit, akda din ni Salceda ang 16 iba pang ‘economic bills’ na sumusuporta sa mga nasabing reporma. Kasama rito ang ‘Internet Crisis Connectivity bill; New NEDA Law; Science for Change Program, PNR Authority and PNR Corps.’ Kasama naman sa kanyang mga ‘political reform initiatives’ ang ‘Compensation for SK Kagawads and officers (SKOK), Special eligibility for SK Officers,’ at pagpapaliban ng Barangay/SK eleksiyon sa 2021.

Sa unang daluyong ng mga reporma sa nakaraang tatlong taon ng administrasyon, kasama ang ‘Build Build Build’ Philippines, Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), rice tariffication, sin tax, and ease of doing business.’

Pinuna ni Salceda na mabilis ang bisa ng ‘Rice tariffication’ sa 96 milyong Pinoy dahil bumagsak agad ang presyo ng bigas sa P29-35 mula P45-52 bawat kilo, at katuwang itong nagpababa sa ‘inflation rate’ sa 3.2% nitong nakaraang Mayo.

Comments are closed.