AKLAN- PINAPURIHAN ang isang tour guide coordinator sa Isla ng Boracay matapos na ibalik nito sa may-ari ang isang pouch na naglalaman ng P150,000 cash.
Ayon kay Jovanni Cooper, residente ng Sitio Tabon Bukid, Barangay Caticlan, Malay na habang naglalakad sa front beach ay napansin nito ang isang checkered pouch na kulay brown sa isang money changer shop sa Barangay Manocmanoc, Boracay.
Nang siyasatin nito, natuklasan na ang pouch ay naglalaman ng ibat’ ibang currency ng pera tulad ng Philippine Peso, Korean Won at Japanese Yen gayundin ng ATM cards at identification cards.
Agad isinurender ni Cooper ang nakitang cash sa Malay Municipal Police Station upang matulungan siyang mahanap ang may-ari.
Laking pasasalamat naman ng may-ari ng naturang pouch kay Cooper at hindi nito nagawang pag-interesan ang malaking halaga na napulot nito. EVELYN GARCIA