LAMANG NI LENI MABUBURA (‘Pag napawalang-bisa ang boto sa 3 lalawigan sa Mindanao)

Bongbong Marcos2

KUMPIYANSA si da­ting Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na mababawi ang panalo sa vice  presidential race ng mahigit sa 45,000 boto sa sandaling mapawalang-bisa ang tinatawag na ‘terrorized at  fraud balloting’ sa tatlong lalawigan sa Mindanao.

“If the Presidential Electoral Tribunal resolves to continue with our second cause of action filed as early as 2016 when we lodged the electoral complaint, then Leni Robredo’s most feared phase of the protest being heard by the PET can’t be avoided and would surely compel her to come to terms with reality that only truth, not lies, will set us all free ,” wika ni lawyer Victor Rodriguez, spokesman ni Marcos.

Ang tinutukoy ni Rodriguez ay ang nakabinbing motion ng protestant sa PET para ipawalang-bisa ang mga boto sa Basilan, Ma­guindanao at Lanao del Sur na itinuturing ng mga abogado ni Marcos na centerpiece ng kanilang electoral protest.

Ang kanyang matapang na  pahayag ay bilang reaksiyon sa media blitz ni Robredo, ilang araw na ang nakalilipas, hinggil sa pagkapanalo ng kanyang kaso sa manual recount ng Tribunal sa kabila ng decisive 11-2 vote ng PET laban sa report ni  justice-in-charge Benjamin Caguioa na nagbabasura sa electoral protest ng dating senador.

Sa parehong 11-2 resolution ay kinonsi­dera rin ng Tribunal ang three-year old petition ni ­Marcos na ipawalang-bisa ang 2016 vice presidential balloting sa mga lalawigan ng Ma­guindanao, Basilan at Lanao del Sur dahil sa umano’y terorismo at massive poll fraud, na nag-udyok sa mga mahistrado na atasan ang magkabilang partido na maghain din ng kanilang komento sa nullification issue.

Nang tanungin sa tsansa ng dating senador na mahabol ang 263,473 vote margin ni Robredo kapag napawalang-bisa ang mga boto sa tatlong lalawigan sa Mindanao, tinukoy ni Rodriguez ang mga numerong sinabi  sa kanya ng isang Comelec insider na mananalo si  Marcos ng  45,000 boto sa overall tally.

“Proofs of pre-shading, terrorism and massive election fraud in the 2016 vice presidential race have already been established by the Comelec in about 25 percent of the 2,756 precincts in Lanao del Sur, Maguindanao and Basilan,” paliwanag ni Ridriguez.

Kaugnay sa time line ng protesta, idinagdag ni Rodriguez na,  “if the PET allows us to proceed with the nullification proceedings and repulses Robredo’s dilatory tactics, then the true will of the electorate in the 2016 vice presidential contest will come out sooner than we expected.”

Comments are closed.